Thursday, April 2, 2015

Bakit Tahimik ang mga Yumayaman sa Ginto?

May GINTO Ka Ba?

Kung sasaguting ko ang sarili kong katanungan ngayon, ang sagot ko ay WALA.

Noong kabataan ko, (dalaga pa ako), OO Meron, isang pares ng gintong hikaw na nabili ko mula sa ipon kong allowance, ito ay nagkakahalaga ng P1,200 na may timbang na  3 gramo na naturingan 18k. Nang nawala ang kapares, nawala na rin yung isa. Pangalawang beses na bumili ako ng isang pares uli na hikaw, nagtratrabaho na ako, nabili ko sa halagang 3k (tatlong libong piso), Saudi gold daw yun. Pinahiram ko at nawala ng may suot, at hindi na napalitan.

Dahil walain ang ginto kong pinaghirapan, hindi ko na pinangarap magkaroon uli ng gintong alahas. Kaya ang sagot ko ngayon ay WALA.

SINO ANG MAY GINTO?

Ang alam ko, ang may ginto yung mga MAYAYAMAN, may pera.
Madalas suot suot nila, mga nagkikinangan sa leeg, sa kamay at mga daliri.

KAILANGAN BA MAYAMAN KA PARA MAGKA GINTO KA?

Pwedeng  OO  
pwedeng Hindi

Maraming Hindi Mayaman pero labas masok ng mga Bahay Sanlaan. Suot nila or nakatago ang mga alahas nilang  ginto kapag hindi nila kailangan ng pera. Kapag gipit na, sa mga Pawnshop nila pinagkakatiwala at sinasanla ang alahas na ginto  para makapera.

Samadaling salita sila ay NAG INVEST sa gintong alahas.
Me mga kakilala ka bang NAG INVEST sa gintong alahas?
Yung bumili ng 18k daw na singsing? Gold na relo,earings, bracelet, kwintas at pendant.

Me kaibigan ka bang nagpatulong sa yo na tubusin ang nakaprendang alahas? Me nagbenta na ba sa yo ng Pawn Agreement? yung mga naremata at mareremata na mga gintong  alahas na nakasanla? Ibig sabihin, sila ay may panghihinayang kung ito ay mawawala sa kanila. Ito ay pagpapatunay na ang gintong alahas ay may VALUE.
Dahil may mga taong magkakainteres sakaling ito ay maremata, patunay na ang gintong alahas ay may MARKET VALUE.

Oo, MARKET VALUE, ang patunay na maaring tumaas ang halaga nito kung pagkakainteresan ng marami.


Balik tayo sa una kong tanong at sagot, na isang pagpapatunay na ang GINTO (GOLD) ay may MARKET VALUE

Kung hindi ko naiwala at hinayaang mawala ang hikaw ko na naipundar ko sa halagang P4,200 na tumitimbang na 6 na gramo, ito ngayon ay nagkakahalaga ng P10,260 kung ang presyo ng ginto sa kasalukuyan ay nagkakahalaga ng P1,710.00 ayon sa presyo ng isang gold fixer*.
(* ang mga gold fixer po ay nasa London, kung saan ang palitan ng mga mamahaling metal ay ipinagbibili at binibili ng mga malalaking kumpanya sa buong daigdig, at nagtataguyod ng araw araw na halaga ng ginto)

At balikan po natin ang katanungan ng lathalang ito.
BAKIT TAHIMIK ANG MGA YUMAYAMAN SA GINTO?

SIMPLENG REALIDAD LANG...,

Dahil ang mga yumayaman sa kalakaran ng ginto ay NAKAKAUNAWA ng Katotohanan, 
na sa panahon ng kagipitan, meron silang MAAASAHAN, katulad lang ng mga NAG INVEST at naniniwala na ang Ginto ay may MARKET VALUE.

Huling Katanungan..., MAY GINTO KA NA BA?



 rinapadua.emgoldex.com

No comments:

Post a Comment